Pagkatapos ng Panaginip
Pagkatapos ng Panaginip
Sabay ng pagsilip ng liwanag,
Habang ang umaga’y nababasag.
Naglalakad sa bagong araw,
Ngunit ganoon pa din ang galaw.
Ang pintig ng oras ay lumilipas,
Sapagkat ang mundo’y yun ang bigkas.
Ang bilis ng mga kulay,
Sana’y meron namang buhay.
Nakatunganga sa malayo,
Hawak hawak ang nakatagong anyo.
Pagkatapos ng panaginip,
Ang bagong umaga’y sumisilip.















